Pagtatanggal ng Filipino Subject sa Kolehiyo

Ang Filipino subject, isa sa mga asignaturang nagpapalalim sa pagkakaintindi natin sa wikang Filipino. Pagsasalita sa Filipino, maaaring ito nga ay madalas na nating ginagamit simula noong tayo'y musmos pa lamang, subalit alam na nga ba natin lahat tungkol rito? Sapat na nga bang dahilan na karaniwan na lamang sa atin ito sapagkat kaharap na natin ito buong buhay natin bilang mga Pilipino? Ako ay hindi sumasang-ayon sa pagtatanggal ng Filipino subject sa kolehiyo. Bakit? Una, isa itong patunay ng pagsasawalang halaga natin sa ating kultura. Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi tayo umuunlad, hindi tayo marunong magmahal sa sariling atin. Saan ba tayo makakakita ng bansang umunlad na hindi gumagamit ng sarili nitong wika? Ang Japan, China, at iba pa sa mga karatig bansa natin ay lahat minamahal ang kanilang kultura kaya sila maunlad. Pangalawa, isa itong patunay ng pagtutulak sa mga mag-aaral sa pagtangkilik sa kultura ng ibang bansa. Kasunod ng pag-anunsyo sa pagtatangga...